ALAM niyo bang may Korean version ang mga kakanin natin sa Pilipinas?
Ang tawag naman nila diyan ay “Tteok” o rice cakes!
Iba man ang itsura at tawag, halos may similarities din naman ang paggawa at lasa ng mga ito sa mga nakasanayan nating kakanin.
Baka Bet Mo: KCC pak na pak sa mga ‘libreng’ festivity ngayong Agosto, ano kaya ito?
Noong July 31, nakasama ang BANDERA sa exclusive event ng Korean Cultural Center (KCC) in the Philippines na ang tawag ay “PH-KOR Culinary Heritage Exchange.”
At diyan namin nakita at natikman ang specialty ng nasabing dalawang bansa pagdating sa nabanggit na rice cakes at mga kakanin.
Bukod diyan, nagkaroon pa ng cooking demo ang magkaibigang chefs na sina Lily Min at Reggie Aspiras.
Ito ang ang naging gimik ng KCC dahil gaya ng pagkakaibigan ng Korea at Pilipinas, ito ay matibay at malagkit!
Para sa mga hindi aware, ngayong taon ipinagdiriwang ang 75th years of friendship ng Pilipinas at Korea.
The post WATCH, NOW NA: Cooking demo ng sikat na rice cake ng Korea, kakanin ng Pinas appeared first on Bandera.