December 23, 2024

December 23, 2024

Naghain ng panukalang batas si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para parusahan ang abusadong pangongolekta ng utang, kabilang ang panliligalig at panghihiya.

Ani Padilla, ihinain niya ang Senate Bill 2882 dahil hindi sapat ang proteksyon ng RA 9474 (Lending Company Regulation Act) at RA 7394 (Consumer Act) laban sa ganitong abusadong gawain.

“Over the years, the Securities and Exchange Commission (SEC), the National Data Privacy Commission and law enforcement agencies have received numerous complaints against Financing Companies (FCs) and Lending Companies (LCs) harassing, shaming, and employing abusive, unethical, and unfair means upon their customers/clients to force the settlement of debts. Likewise, there has been a proliferation of misuse of customer/client personal information and the public disclosure of unpaid loans or balances,” ayon sa mambabatas.

Dagdag niya, umiiwas sa pananagutan ang ganitong lending companies sa pamamagitan ng paggamit ng third-party service providers para mag-harass ng may utang.

Isa sa mga hakbang sa panukalang batas ay ang pagpataw sa mga FC at LC ng pananagutan sa mga pinagbabawal na aksyon, para hindi nila malusutan ang pananagutan.

“This proposed measure declares it as a policy to regulate the collection practices of FCs and LCs to deter the use of means that are prejudicial to the interest of the public,” aniya.

Sa panukalang batas, kabilang sa mga prohibited acts ang:

  • Paggamit ng banta ng karahasan
  • Paggamit ng bastos na pananalita at insulto sa may utang
  • Paggamit ng social media at ibang online platforms para hiyain ang may utang
  • Pagbulgar ng personal na impormasyon ng may utang
  • Pagtawag sa may utang sa hindi makatwirang oras

 

“Notwithstanding the borrower’s consent, contacting the persons relatives, colleagues, or acquaintances other than those named as guarantors, surety, or co-makers shall also constitute unfair debt collection practice,” ani Padilla.

May multa na P50,000 para sa unang paglabag; P100,000 sa pangalawang paglabag; P500,000 hanggang P1 milyon at 90-araw na suspensyon ng lending and financing activities sa pangatlong paglabag; at pagbawi ng certificate of authority to operate as an FC or LC sa ikaapat na paglabag.

Sa panukalang batas, ibubunyag din ng mga FC at LC sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang impormasyon sa kanilang third-party service providers, kasama ang nakarehistrong numero na gagamitin sa pagkolekta ng utang.