December 23, 2024

December 23, 2024

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan!

Ipinapaabot ko ang aking mainit na pagbati sa mga magigiting at tapat na kasapi ng Philippine National Police kasabay ang pagdiriwang ng 123rd Police Service Anniversary. Isa itong magandang pagkakataon para pasalamatan at saluduhan ang PNP sa inyong mga tagumpay bilang mga alagad ng batas.

Maging pagkakataon din sana ito para alalahanin ng mga kasapi ng PNP ang kahalagahan ng integridad bilang mga propesyonal na naatasang maglingkod sa mga Pilipino.

Mahalaga rin na maipakita ng PNP na isa itong malayang institusyon na nagsusulong ng katotohanan sa harap ng mga kasinungalingan at iba pang pagmamalabis sa ating lipunan.

Ang paglilingkod sa bayan ay tunay lamang na matagumpay, makahulugan, at kapuri-puri kung ito ay marangal, tapat, at naninindigan sa kapakanan at interes ng bayan.

Manindigan tayo para sa katotohanan, sa tama, sa mga Pilipino, at sa ating bansang Pilipinas.

Mga kababayan patuloy tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.

Ang lahat ay para sa Diyos, sa Bayan at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE

Vice President of the Philippines

 

Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble

The post Mensahe ni VP Sara Duterte para sa 123rd Police Service Anniversary appeared first on SMNI NEWS CHANNEL.