NAGKAKAHALAGA ng P10.4-M ng marijuana plants ang sinira ng mga operatiba ng Special Operations Unit CAR, umaga nitong Huwebes Agosto 8, 2024 sa Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga.
Batay sa impormasyon, umabot sa 52,000 piraso ng fully grown na tanim ng marijuana plants ang sinira katumbas ng kabuuang land area na 5,200 sqm.
Bigo namang nakahuli ang mga awtoridad ng cultivator sa lugar sa gitna ng operasyon.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng mga awtoridad sa mga LGU sa ikadarakip ng mga taong nasa likod ng malawakang plantasyon ng marijuana sa lugar.
The post P10.4-M halaga ng marijuana, sinira ng mga operatiba sa Kalinga appeared first on SMNI NEWS CHANNEL.