GINAWARAN ng pagkilala ang aktor na si Gerald Anderson sa kabayanihang ipinamalas nito sa gitna ng pananalasa ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina nitong nakaraang buwan.
Personal na ipinagkaloob ni Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan ang Search and Rescue Medal Award kay Anderson na kasalukuyang miyembro din ng Auxiliary Force ng Philippine Coast Guard.
Si Anderson ay may kasalukuyang ranggo na Auxiliary Commodore at naging panata na nito ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Matatandaang, matapang na sinuong ng aktor ang baha sa Brgy. Santo Domingo Quezon City para iligtas ang ilang indibidwal na na-trap sa bahay dulot ng malawakang pagbaha.
The post Kabayanihan ni Gerald Anderson, kinilala sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Carina sa bansa appeared first on SMNI NEWS CHANNEL.