December 24, 2024

December 24, 2024

Iza balik-entablado after 9 years, may pagbibidahang play simula Nobyembre

PHOTO: Instagram/@missizacalzado

SASABAK muli sa entablado ang veteran actress na si Iza Calzado makalipas ang siyam na taon.

Ang pagbibidahan niyang theater play ay ang “Tiny Beautiful Things” na hango sa bestselling book by American writer Cheryl Strayed.

Ang exciting news ay sorpresang ni-reveal sa huling show ng “Little Shop of Horrors” na pinagbibidahan nina Karylle, Nyoy Volante, Sue Ramirez at Reb Atadero.

Sa recent Instagram post ng The Sandbox Collective, mapapanood na tinawag sa stage si Iza upang ibandera ang upcoming play niya.

“We had the sweetest surprise for our closing night audience. Iza Calzado headed down Skid Row to introduce our season-ender, ‘Tiny Beautiful Things: A Play About Life in Letters,’” saad sa caption.

Kwento naman ni Iza sa video, “It’s about an advice columnist who gets letters about people asking advice about love, life, loss and everything in between, and it’s about her response to these letters with radical empathy and honesty.”

Baka Bet Mo: Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby nang mamatay ang ina

Ayon sa theater company, ang role na gagampanan ng aktres ay bilang si “Sugar” at ang “Tiny Beautiful Things” ang magsisilbing final play nila para sa taong ito. 

“Known as the bestselling book-turned-play-turned-TV show by Cheryl Strayed, ‘Tiny Beautiful Things’ is based on her experiences as an anonymous advice columnist. Celebrated actress and TV host Iza Calzado will be stepping into the role of Sugar, making her straight-play debut,” wika sa isang separate post.

Ang “Tiny Beautiful Things” na mula sa direksyon ni Jenny Jamora ay mapapanood tuwing weekends simula November 16 hanggang December 8 sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater sa Circuit Makati.

Para sa mga hindi aware, ito ang ikalawang beses na tutungtong sa entablado si Iza matapos tumampok sa musical na “Sabel: Love and Passion” bilang Adult Sabel at narrator noong 2015.

The post Iza balik-entablado after 9 years, may pagbibidahang play simula Nobyembre appeared first on Bandera.