December 24, 2024

December 24, 2024

Ngayon araw, nagsampa ng kasong Anti-Trafficking in Persons ang PAOCC laban kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac. Bagamat hindi pa nabibigyan si Mayor Guo ng kopya ng naisampang reklamo, tiwala siya na walang sapat na ebidensya na maaring iugnay sa pangalan nya patungkol sa reklamo. Samaktuwid, niluto muna sa media at sa publikoang ang mga alegasyon bago ito isinamapa. Simula noong araw ng raid, March 13, hanggang sa kasalukuyan ay talagang pinilit lamang na iugnay si Mayor Guo sa kaso
Kung may ebidensya ay dapat noong maaga pa ay nakasuhan na si Mayor Guo.

Nananawagan si Mayor Guo na dapat ay masusi muna imbestigahan ang mga kaso bago maglabas ng anumang pahayag sa publiko. Ang pagiging conspirator ay may legal na batayan sa ating batas. Ang pagkakaroon lamang ng koneksyon sa mga kumpanya o indibidwal, lalo’t hindi malinaw, ay hindi sapat na batayan upang iugnay sa isang kaso lalo na sa Human Trafficking. Walang kinalaman at partisipasyon si Mayor Guo sa Zunn Yuan Technology, Inc. o sa kahit anumang POGO sa bansa. Nakahanda syang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sa kabila ng ito, nararapat na suportahan natin ang prinsipyo ng “innocent until proven guilty” at bigyang-pansin ang mga pangunahing prinsipyo ng katarungan at paggalang sa karapatang pantao sa lahat ng aspeto ng kaso.

For inquiries: please contact Atty: Nicole Jamila (0921) 5187645.